^

Police Metro

Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Pambansang Wika mahalin

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na mahalin ang pambansang wika at binigyang-diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

“Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan na ang mga wikang minana ay nagtatanghal ng ating kahanga-hangang pagkakakilanlan bilang isang lipi,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Hinimok din ng Pa­ngulo ang mga Pilipino na tanggapin ang ganitong kamulatan sa puso at isip para pangalagaan ang “greater collaboration” sa hanay ng mga ito para sa progresibo, malaya at pinag-isang bansa.

Matatandaang ni­lagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation No. 1041 noong Hulyo 15, 1997, dahilan para ang buwan ng Agosto ay ideklarang “Buwan ng Wikang Pambansa,” o National Language Month.

PAMBANSANG WIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with