^

Police Metro

Aspiring Navy cadet nahulog sa new Senate Building

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 24-anyos na lalaki na umano ay aplikante sa Philippine Navy (PN) ang nahulog sa itinatayong bagong Senate Building sa kahabaan ng Chino Roces Ave. Extension, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete ang biktimang si alyas “Reno”, tubong Maguindanao Del Sur at nanunuluyan sa Naval Intelligence and Security Force (NISF) sa Fort Bonifacio, Taguig.

Batay sa ulat ni ­Taguig Police Station, chief P/Col. Christopher Olazo, alas-7:00 ng gabi ng Hul­yo 25, nang nagmamada­ling pumasok sa Gate 1 ng construction site ng New Senate Building (NSB) sa Chino Roces Ext. Brgy. Fort Bonifacio ang biktima patungo sa ikatlong palapag ng gusali habang hinahabol ng kanyang kasamang cadet applicant din na si alyas “James”.

Ipinarating ni alyas James sa nakatalagang security guard na sina alyas “Lorenzo” at “Lou” ang pagpasok ng biktima sa gusali kaya’t pinanood kaagad ang kuha ng CCTV, subalit bigo silang mahanap ang Navy applicant.

Dakong alas-9:00 ng gabi nang makarinig ng malakas na kalabog ang mga guwardiya sa Material Recovery Facility (MRF) at doon nadiskub­reng wala ng buhay ang biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung saang palapag ng gusali nagmula ang biktima at kung tuma­lon o nahulog na naging sanhi ng kagyat na kamatayan.

Agad na ipinalam kay Senate President Francis “Chiz” Escudero ang nangyari at ipinag-utos na nito ang pagsasagawa ng isang malalimang imbestigasyon. Pinare-review na rin ang security protocols sa construction site.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with