^

Police Metro

Kaso ng leptospirosis posibleng tumaas - DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa
Kaso ng leptospirosis posibleng tumaas - DOH
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang incubation period ng leptospirosis ay lima hanggang 14 araw, kaya posibleng magsulputan ang mga kaso sa susunod na linggo.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na posib­leng tumaas ang kaso ng leptospirosis sa susunod na mga araw dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyong Carina at Habagat na nagresulta ng matinding pagbaha sa bahagi ng Luzon.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang incubation period ng leptospirosis ay lima hanggang 14 araw, kaya posibleng magsulputan ang mga kaso sa susunod na linggo.

“Dadami ‘yan (­cases), sinasabi ko sa inyo. Dada­mi ‘yan next week. And by that time, tsaka namin isa-set up ‘yung [leptos­pirosis] lane,” sabi ni Herbosa.

Gayunman, ipinaliwanag niya na ang mas mahalaga kaysa sa pagtatalaga ng leptospirosis lane sa mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan ang pagpapakalat ng impormasyon kung paano matukoy, masuri, at gamutin ang sakit.

Nitong Hulyo 13, may kabuuang 1,258 kaso ng leptospirosis ang naitala sa bansa ngayong taon, kung saan 133 ang namatay.

Ang mga sumusunod na rehiyon ay nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis mula Hunyo 2 hanggang Hulyo 13: Zamboanga Peninsula, Caraga, Soccsksargen, Western Visayas, Mimaropa, Eastern Visayas, at Northern Mindanao.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with