^

Police Metro

Marcos sa DOH: Mga doktor ideploy sa evacuation centers

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos sa DOH: Mga doktor ideploy sa evacuation centers
Barangay officials and members of the Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) set up modular tents at the evacuation center of Barangay Bagong Silangan in Quezon City as residents evacuate their homes due to rising flood waters following the torrential rain brought by Typhoon #CarinaPH and the southwest monsoon on July 24, 2024.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — “Magtalaga ng mga doktor at magbigay ng medical assistance sa mga evacuation centers.”

Ito ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) para masiguro aniya ang kalusugan ng mga evacuees na naapektuhan ng supertyphoon Carina.

Iginiit ng pangulo na dapat kaagad magdeploy ang DOH ng mga doktor sa mga evacuation center para makapagbigay ng gamot sa mga matatanda na nangangailangan ng maintenance medicines.

Sa situation briefing kasama ang mga mi­yembro ng gabinete, sinabi ng pangulo na ang susunod na magiging hamon ngayon matapos ang pananalasa ni Carina ay ang siguruhin na ang mga evacuation centers ay mayroong mobile clinic para masuri ang kalusugan ng mga bata at ng mga matatanda.

Subalit kung wala pa ang medical team ay kahit ang barangay health workers (BHWs) muna para makapag-assess kung sino ang agarang nangangailangan ng tulong medikal hanggang makarating ang medical team.

EVACUATION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with