^

Police Metro

21 iniwang patay ni ‘Carina’, habagat

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa
21 iniwang patay ni �Carina�, habagat
Naghahanap ang mga residente ng Barangay Del Monte, Quezon City ng kanilang inanod na kagamitan na maaari pang pakinabangan sa mga tambak na basura tulad ng sasakyan na natangay ng malakas na baha dulot ng bagyong Carina, habagat nitong Miyerkules.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 21 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ni supertyphoon Carina na pinalala pa ng habagat, base sa pinagsamang ulat kahapon ng Regional Police at Office of Civil Defense (OCD).

Kabilang sa mga nasawi ay apat sa Central Luzon, 10 sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at pito naman sa National Capital Region (NCR).

Pinakahuli na nadagdag sa talaan ng mga nasawi ay si Jarrel Pangan na nalunod sa Baliwag-Bustos River sa Brgy. Poblacion, Baliwag, Bulacan; isang babaeng nalunod sa Angat River at dalawang sibilyan sa Angeles City; pawang namatay sa kasagsagan ng pananalasa ni Carina nitong Miyerkules.

Tatlong lalaki ang nasawi sa pagkakakuryente sa gitna ng mataas na tubig baha sa mga bayan ng Cainta, Rodriguez at San Mateo na kinilalang sina Alvin Bulatao, 20 ng Cainta, construction worker na si Jay Mistal, 31 ng Brgy. Burgos, Rodriguez; at isang hindi nakilalang lalaki ng Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo.

Nasa 15 katao naman ang nasugatan habang lima pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers at kanilang mga pamilya .

Sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, nasa 14 katao pa lamang ang naitalang nasawi habang patuloy ang beripikasyon sa iba pang napaulat na sinawimpalad kay superbagyong Carina at habagat.

Naitala naman sa 245,000 pamilya o kabuuang 1.1 milyong katao ang naapektuhan ng malalakas na pag-ulan na nagdulot ng mala-Ondoy na pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Ayon pa sa NDRRMC, umaabot naman sa 9.7 mil­yon ang halaga ng iniwang pinsala sa agrikultura ng kalamidad. Samantalang nasa 49 namang mga kalsada at 8 tulay ang hindi pa rin madaanan ng mga behikulo dahilan sa mataas na tubig baha sa Metro Manila.

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with