^

Police Metro

Babaeng HR manager todas sa tandem

Cristina Timbang, Doris Franche-Borja - Pang-masa

Binaril sa ulo pagbaba ng shuttle service

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na babae na Human Resource (HR) manager ng isang golf club at residential estate ang nasawi matapos na barilin ng riding-in-tandem sa Gen. Trias City, Cavite.nitong Sabado ng hapon.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Josephine Agoncillo Sasi, HR manager
ng Eagle Ridge Golf and

Country Club and Residential Estates.

Ayon sa report, alas-5:15 ng hapon nang mang­yari ang pamamaril sa harap ng gate ng Metro South Subdivision, sa Governors Drive, Brgy. Manggahan.

Nabatid na kabababa pa lamang ng biktima sa
kanilang shuttle service at naglalakad sa harap ng subdivision nang barilin ito ng back rider ng motorsiklo sa ulo.

Matapos ang pamama­ril, mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin na parehong nakasuot ng full face helmet at parehong naka-itim ng jacket, sakay ng kulay itim na motorsiklo patungo sa direksyon ng Trece Martires City.

Ayon kay PLt.Col Jaymar Marbella, hepe ng General Trias police, mayroon na silang nakikitang motibo sa krimen pero itinanggi muna niya itong tukuyin.

Nangangalap na rin sila ng kuha ng CCTV para matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang salarin.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with