^

Police Metro

Sasakyan ng BJMP, tumagilid: Jail officer, patay; 14 sugatan

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang jail officer ng Bureau of Jail Management and Peno­logy habang 14 ang nasugatan kasama ang 10 preso matapos aksidenteng tumagilid ang kanilang sasakyan habang patungo sa pagdinig ng korte sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Purok-2, Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na pinangalanang si JO 2 PJ, kasapi ng BJMP-Labo. Habang nilalapatan ng lunas ang nasugatang apat at 10 inmates.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga ay mabilis na binabagtas ng BJMP-vehicle ang kahabaan ng highway patungong Daet-Regional Trial Court para sa gaga­wing pagdinig ng mga kaso ng sakay na 10 inmates.

Pagdating sa lugar ay biglang nag-u turn at tumawid sa highway ang isang tricycle na malayo pa lang ay binubusinahan na ng BJMP-vehicle.

Nang iwasan ito ay nawalan ng kontrol sa mani­bela ang driver dahilan para umikot at tumagilid ang sasakyan ng BJMP na kung saan ang lahat ng sakay nasugatan at dinala sa ospital, pero malubha ang natamo ni JO2 PJ kaya’t idineklara itong dead on arrival.

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with