^

Police Metro

74-anyos na Pinay sa California, patay nang itulak ng isang palaboy sa San Francisco train station

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 74-anyos na Pinay sa California ang nasawi matapos itulak ng isang palaboy habang naghihintay ng tren sa BART Powell Station sa San Francisco.

Kinilala ang biktima na si Corazon Dandan na dinala sa San Francisco General Hospital,pero pumanaw din dahil sa natamong pinsala sa ulo.

Inaresto ng BART Police ang suspek na kinilalang si Trevor Belmont, a.k.a. Hoak Taing na sasampahan ng kasong murder at elder abuse.

Napaulat na sinabi ng BART Police na itinulak ng suspek ang biktima habang papalapit ang tren dahilan para tumama ang ulo ng biktima sa umaandar na tren bago ito nahulog sa platform.

Mariing kinondena ng Filipino community sa San Francisco, California, ang insidente at nanawagan ng mas mahigpit na seguridad sa lahat ng pampublikong lugar.

Ang biktima ay isang telephone operator sa Parc 55 Hotel sa Union Square at pauwi na sana sa Daly City nang ­mangyari ang pag-atake bandang alas-11: 00 ng gabi noong Lunes.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with