^

Police Metro

Kolehiyala nakitulog sa schoolmate, ginahasa

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 3rd year college student ang pinaghahanap ng pulisya matapos na siya ay ireklamo ng 19-anyos na dalaga na kanyang schoolmate ng kasong rape matapos na halayin nang makitulog sa bahay nito sa Brgy. Ibabang Talim, Lucena City, Quezon, kamaka­lawa.

Kinilala ang suspek na si alyas Jake, na nahaharap sa Violation of RA 8353 “The Anti-Rape Law of 1997”.

Sa salaysay ng biktima na si alyas Kim, residente ng Lucena City, alas-7:45 ng gabi nitong June 19 ay sinundo umano siya ng suspek upang mas magkakilala ng personal.

Nag-usap ang dalawa at nagkasundo na pupunta sila sa bahay ng suspek at nang dumating sa bahay ng suspek ay nagkuwentuhan na umabot ng ha­tinggabi.

Dito ay pinakiusapan ng suspek ang biktima na sa kanyang kuwarto na lang matulog at bukas na umuwi.

Sa double deck ng suspek pinatulog ang biktima habang ang suspek ay sa ilalim natulog.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay umakyat na ang suspek sa kama ng biktima at humiga hanggang sa pwersahan na umano siyang gahasain nito.

Kinaumagahan ay umuwi ang biktima at nagsumbong agad sa pulisya para ireklamo ang suspek na agad na tumakas.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with