^

Police Metro

71-anyos dinukot, pinatay sa bugbog!

Doris Franche-Borja - Pang-masa
71-anyos dinukot, pinatay sa bugbog!
Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Herminigildo Estonillo, 71-anyos, residente ng Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan
STAR/ File

6 suspek timbog sa Bulacan

MANILA, Philippines — Isang biyudo ang patay matapos pagtulungang bugbugin ng walong suspek na armado ng baril makaraan siyang dukutin at pagnakawan pa kamakalawa ng hapon sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) sa Bulacan.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Herminigildo Estonillo, 71-anyos, residente ng Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan

habang nasa kustodiya
na ng pulisya ang mga suspek na sina Russel Foronda, 36; Jimmy Hinugin, 43; Jenny Chavez, 43; Madel Adalla, 41; Rowena Rimaldo, 51, at Raquel Dela Cruz, 46.  Nakatakas naman ang iba pang suspek na sina alyas Putot at Inday.

Sa report ng SJDM Police Station kay Bulacan Police Director PCol. Relly Arnedo, naganap ang insidente bandang alas-5:25

ng hapon nitong Hunyo 21
sa Kelsey Hills Subd. Brgy. Muzon. Habang naglalakad ang biktima nang pwersahang isakay ng mga suspek sa itim na Mitsubishi Adventure saka binugbog sa loob ng sasakyan.

Sa pagpupumiglas ng biktma, nagawa nitong makatakas at makahingi ng tulong sa isang duty security guard.

Dinala ang biktima sa kalapit na hospital subalit binawian din ng buhay.

Mabilis na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya laban sa mga suspek na ikinaaresto ng anim at narekober sa kanila ang mga nakulimbat na mga alahas na nagkakahalaga ng P320,000 at P21,000 cash habang nasamsam din ang cal. 38 na may na apat na bala at improvised handgun (sumpak) na may apat na balang 12 gauge mula sa mga suspek.

vuukle comment

SJDM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with