Utol ni Teves arestado sa terorismo
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakaaresto kay Pryde Henry Alipit Teves ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Dumaguete City.
Si Teves, 51, ay isang designated terrorist at kapatid ni dating Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr.
Ayon sa DOJ, siya ay inaresto matapos ang designasyon sa kanya bilang most-wanted person (MWP) sa provincial at regional levels.
Nag-ugat ang kaso laban kay Teves mula sa paglabag sa The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012, na inisyu ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 noong May 13, 2024.
Ikinatuwa naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang pagkakaaresto kay Teves.
“The arrest of Pryde Henry Alipit Teves demonstrates our resolute commitment to fighting terrorism and upholding the rule of law,” aniya.
Matatandaang si Teves ay una na ring idineklara bilang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) noong July 26, 2023, sa pamamagitan ng Resolution Number 43, bunsod nang pagkakasangkot sa mga pagpatay at harassment sa Negros Oriental.
Nabatid na nagtakda ang hukuman ng P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Teves.
- Latest