^

Police Metro

Pinoy seafarer patay sa atake ng Houthi - White House

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng White House noong Lunes na isang Pilipinong marino ang napatay nang salakayin ng mga rebeldeng Houthi ng Yemen ang isang bulk cargo carrier noong nakaraang linggo.

Ang mga Houthi na suportado ng Iran ay nag­lunsad ng dose-dosenang drone at missile strike sa mahahalagang shipping zone ng Red Sea at Gulf of Aden mula noong Nob­yembre, na inilalarawan ang mga ito bilang paghihiganti para sa digmaang Israel-Hamas.

Ngunit sinabi ng tagapagsalita ng National Security Council na si John Kirby na ang Pilipinong seaman na napatay ay sakay ng M/V Tutor, isang barko na may bandilang Liberian, pag-aari ng Greek na “walang kinalaman sa labanan sa Gaza.”

Samantala, wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa usapin.

Ang M/V Tutor ay dumanas ng malubhang pagbaha at inabandona matapos itong hampasin ng isang sea drone mula sa hawak ng mga rebeldeng Hodeida noong Miyerkules, ayon sa isang ahensya ng seguridad na pinamamahalaan ng Bri­tish navy.

Sinabi rin ni Kirby na kritikal na nasugatan ang isang tripulante ng Sri Lankan sa isang hiwalay na pag-atake ng Houthi noong Huwebes sa M/V Verbena, isang barkong may bandera ng Palauan, pagmamay-ari ng Ukrai­nian, at pinamamahalaan ng Polish.

“Ito ay purong tero­rismo. Walang ibang salita para dito. Ang pag-aangkin ng Houthi ng pagsuporta sa mga Gazans ay walang kabuluhan,” sinabi ni Kirby sa mga mamamahayag.

Bukod sa nasawi, 21 pang Filipino crewmen ang sakay ng M/V Tutor at pawang ligtas na sa pag-atake ng Houthi ang duma­ting kamakalawa sa Pilipinas.

HOUTHI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with