^

Police Metro

Mag-ina todas sa salpok ng dump truck

Ramon Lazaro, Omar Padilla - Pang-masa
Mag-ina todas sa salpok ng dump truck
File photo of road mishap.
STAR / File

1 anak nasugatan

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang mag-ina habang ang isang anak na babae ay nasugatan matapos na salpukin ng dump truck ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon ng umaga Angat, Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Central Luzon regional police director, kinilala ang nasawi na sina Rosemarie De Leon, 24-anyos ang anak nitong si Prinscess, 7-anyos habang nasugatan ang 2-anyos nitong anak na si Angel.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente, alas-9:30 ng umaga na ang sinasakyang  motorsiklo ng mga biktima na may plakang 947 QYK ay binabagtas ang kahabaan ng Gen. Alejo Highway, Barangay Niyugan, Angat, Bulacan nang masagi ng 10 wheeler dump truck, na may plakang  ASA 9255, na minamaneho ni Paulino De Leon Jr., residente ng  Dizon Compound, Payumo St., Barangay Bangkal, Norzagaray, Bulacan ang motorsiklo ng mga biktima.

Nang bumagsak ang mag-iina sa motorsiklo ay nasagasaan sila ng nasabing dump truck.

Dumating sa lugar ang Angat Rescue Team at mabilis na dinala ang mag-iina sa Castro Medical Hospital sa Baliwag City na kung saan ay idineklarang dead-on-arrival ang mag-ina habang ang bunsong anak ay patuloy na ginagamot.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dump truck na nakatakdang kasuhan ng criminal.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with