^

Police Metro

Akapulko, mabisa sa mga sakit sa balat

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang masusing mga pag-aaral at maidokumento ng University of the Philippines Manila’s National Integrated Research Program on Medicinal Plants (NIRPROMP) na mabisa ang Akapulko plant sa mga sakit sa balat.

Nitong Biyernes, Hunyo 7, nang ihayag ng nasabing reasearch group na nakagawa sila ng herbal lotion laban sa skin fungal infection gamit ang Akapulko plant.

Sinabi ni Institute of Herbal Medicine-National Institutes of Health (IHM-NIH) Director Dr. Cecilia Maramba-Lazarte na solusyon ang nasabing lotion bilang alternatibo sa paggamit ng Azole na epektibo sa paggamot ng mga impeksyon sa balat.

“One solution to this problem is the use of Senna alata, more commonly known as Akapulko,” ani Dr. Maramba-Lazarte.

Aniya, ang nasabing halaman din ang ginamit ng mga tradisyunal na manggagamot ng ibang kultura sa mga sakit sa balat at nakitang mahusay, na naidokumento sa mga ginawang pag-aaral.

Sinasabing ang Akapulko ay may taglay na phytochemical, kabilang ang chrysophanic acid at anthraquinones, na nagpapakita ng malakas na aktibidad na antifungal laban sa Epidermophyton, Microsporum, Trichophyton, at Penicillium.

Sinabi ni Lazarte na ang bisa ng paghahanda ng Akapulko ay nasusukat sa mga resulta ng pitong randomized controlled trials sa may 726 pasyente. Apat na clinical trial din ang isinagawa gamit ang NIRPROMP-IHM formulation na nagtala ng 461 na pasyente.

Nakita na ang Akapulko ay kasing-bisa ng mga synthetic na antifungal na paggamot na naglalaman ng 25 porsiyentong sodium thiosulfate, ketoconazole, o terbinafine cream.

MEDICINAL PLANTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with