^

Police Metro

51,569 katao naapektuhan ng bagyong Aghon - NDRRMC

Joy Cantos - Pang-masa
51,569 katao naapektuhan ng bagyong Aghon - NDRRMC
Parishioners look at the massive uprooted tree which fell over two parked vehicles inside the compound of the St. John the Baptist Parish in Taytay, Rizal due to strong winds and continuous rain brought by tropical storm Aghon on May 26, 2024.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Iniulat kamakalawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 51,569 katao ang naapektuhan ng bagyong Aghon sa CALABARZON, Bicol Region at Central Luzon.

Kabilang sa mga naapektuhang pamilya ay nasa 25,980 katao sa CALABARZON; Bicol Region na nasa 10,476 katao habang sa Central Luzon ay nasa 8,589 namang katao.

Ayon sa NDRRMC, sa 21,225 katao namang mga bakwit o nagsilikas nasa 14,816 sa mga ito ay nanuluyan sa mga evacuation centers habang 6,409 naman ang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Isa ang nakumpirma ng NDRRMC na nasawi habang nasa anim pa ang patuloy na bineberipika kung may kinalaman sa bagyo ang pagkasawi ng mga ito na kailangan pang masertipikahan ng Department of Health (DOH).

Ang bagyong Aghon ay kauna-unahan sa bansa sa taong 2024 na humagupit sa CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas at ilang bahagi ng Region 10.

Naitala naman sa 22 ang napinsalang kabaha­yan, tatlo ang naapektuhang mga paliparan, 60 ang mga pantalan saka 38 namang mga tulay at kalsada ang apektado rin ng kalamidad.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with