^

Police Metro

‘Censure’ parusa ng Kamara kay Alvarez

Joy Cantos - Pang-masa
�Censure� parusa ng Kamara kay Alvarez
Sa botong 186 ng mambabatas na pabor, lima ang tumutol at pito ang abstain ay ibinaba ng Kamara ang hatol laban kay Alvarez base naman sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Priveleges na ang orihinal na napagdesisyunan ay isuspinde ng 60 araw si Alvarez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinatawan ng “censure” o pinatatahimik na ng Kamara si da­ting Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez dahilan sa ‘dishorderly behavior’ nitong Miyerkules ng gabi kaugnay ng panawagan sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) na mag-withdraw na ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr.

Sa botong 186 ng mambabatas na pabor, lima ang tumutol at pito ang abstain ay ibinaba ng Kamara ang hatol laban kay Alvarez base naman sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Priveleges na ang orihinal na napagdesisyunan ay isuspinde ng 60 araw si Alvarez.

Gayunman, hinarang ito ni  Camiguin Rep. JJ Romualdo na ibaba ang parusa kay Alvarez na ‘censure’ na lamang o pinatatahimik ito sa halip na isuspinde matapos namang una nang iginiit ng huli na ginamit lamang umano niya ang kaniyang ‘freedom of expression’  sa kaniyang nasabi bunga ng pagkadismaya sa gob­yerno.

Una nang isinalang ng Ethics panel sa imbestigasyon si Alvarez dahilan sa ‘dishorderly behavior “ nito dahilan bilang mambabatas ay dapat umanong maging ‘role model’ ito.

Si Alvarez ang ikalawang mambabatas na pinatawan ng parusa ng Kamara sa ilalim ng 19th Congress kung saan ang una ay ang nasuspinde at panghuli ay pinatalsik sa puwesto na si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. dahilan sa patuloy nitong pagliban sa imbestigasyon.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with