^

Police Metro

Ouster Plot vs Pangulong Marcos

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Ibinunyag ni Trillanes...

MANILA, Philippines-Ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nagre-recruit ng mga pulis para sa destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na kung saan nagsimula umano ang “recruitment” noong nakaraang taon, subalit wala pang nahihikayat.

Idinagdag pa ni Trillanes na maging ang ilang retiradong military officials ay nagre-recruit ng kanilang mga tauhan upang suportahan ang ouster plot.

Naniniwala ang dating senador na ang destabilization plot ay para protektahan ang dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagpapalabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crime against humanity of murder sa kasagsagan ng kampanya laban sa illegal drugs.

Layon umano ng ouster plot na mapatalsik si PBBM upang pumalit si Vice President Sara Duterte.

Napag-alaman na posibleng lumabas sa susunod na buwan ang arrest warrant ng ICC laban sa dating pangulong Duterte.

Humihingi na rin ng tulong ang ICC sa International Criminal Police Organization (Interpol) para maipatupad ang arrest warrant.

“Kung idaraan sa Interpol ‘yung warrant of arrest, kahit na hindi tayo miyembro ng ICC pero miyembro tayo ng Interpol. May international agreement tayo. Ang ICC naman may cooperation agreement kay Interpol kaya pwede silang magpasa ng red notice diyan,” anang dating Senador.

Lumilitaw na maglalabas din ng blue Interpol notice laban sa 50 dati at aktibong opisyal ng PNP na kabilang sa “persons of interest” ng ICC probe.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with