^

Police Metro

Rep. Tulfo sa Senado: Ipasa House versionng amyenda sa rice tariff law

Joy Cantos - Pang-masa
Rep. Tulfo sa Senado: Ipasa House versionng amyenda sa rice tariff law
Workers store sacks of local premium rice at a rice mill warehouse in Bocaue, Bulacan on September 8, 2023.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umapela si House Deputy Majority Leader and ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa Senado na suportahan ang panukala ng Kamara de Representantes na mu­ling payagan ang National Food Authority (NFA) na magbenta ng bigas sa publiko.

Ginawa ni Tulfo ang apela matapos na aprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang substitute bill ng panukala sa pagdinig nitong Martes.

“Pero, we’re facing another uphill battle here. Nakalusot nga ho dito. Ang problem ho namin ngayon, is the Senate. Iba ho ‘yung version nila e. ‘Yung version ho ng Senate, walang laman, eh. Walang binabanggit doon na NFA. So, pumasa man ho dito, pagdating mo sa kanila, wala ring mangyayari,” sabi ni Tulfo.

“Siguro, eh, paki-usap po namin sa Se­nate. Baka pwede naman ho, sumabay na lang ho kayo sa version namin. Isantabi ho muna natin ‘yung mga business interest, personal interest natin. Unahin po muna natin ‘yung interest ng mga tao, ng nakakarami ho sa atin. Otherwise, wala ho mang­yayari. Kaya tayo napupulaan ng taumba­yan. Puro tayo porma. Puro tayo kwento. Why don’t we just do our work? Let us unite. Para sa isang mission, ang mission natin, everybody can buy rice. ‘Yun lang naman ho, eh,” dagdag pa nito.

Inanunsyo rin ni Spea­ker Martin Romualdez na sa darating na Hulyo ay target nila ang mas mababa sa P30 na kada kilo ng bigas. Ito ay matapos nilang pulungin ang Department of Agriculture para tugunan ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Target ng Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala bago ang sine die adjournment sa Mayo 24.

vuukle comment

NFA

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with