^

Police Metro

4 katao tiklo sa P68.3 milyong ecstasy

Manny Tupas - Pang-masa
4 katao tiklo sa P68.3 milyong ecstasy
Nakumpiska ng PDEA at BOC ang isang parcel mula sa Netherland na naglalaman ng 40,206 piraso ng ecstasy tablets na kung saan apat na katao ang inaresto nang kunin nila ang parcel nitong Lunes sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang isang barangay kagawad ang inaresto nang kunin nito ang isang parcel na naglalaman ng 40,206 tablet party drug o ecstasy na nagkakahalaga ng  P68.3 milyon sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Naaresto ang suspek na sina Mark Bryan Gamba, kagawad, residente ng Barangay 74; Robert Simon, 32; Fabio Dalvanos, 36; at Sherill Gamba, 46, sa isinagawang interdiction operation sa Central Mail Exchange Center, pasado alas-3:20 ng mga tauhan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa PDEA na ang parcel na tinanggap ng mga suspects ay mula sa  Netherlands na idineklara na ang laman ay pagkain ng aso at pusa.

Nabatid na dumating ang parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) Pasay City noon pang Marso 19, 2024 at nagkasuspetsa ang mga otoridad na may lamang illegal drugs ito kaya’t minarkahan ito upang maaresto ang kukuha na naganap nitong Lunes.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga suspek para sa imbestigasyon at maging ang kanilang mga cellphone ay kinumpiska.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with