Trader dedbol, utol sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines — Isang lalaking negos­yante ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang kapatid matapos ratratin ng bala ng isang hindi pa kilalang lalaki habang nagbubukas ng kanyang tindahan na karne sa Rodriguez, Rizal kahapon ng mada­ling araw.

Nakilala ang nasawi na si Jayson Luzon, 33, negosyante, habang sugatan naman ang kanyang kapatid na si Jay Boy Luzon, 25, butcher, kapwa residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez.

Sa imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-4:00 ng madaling araw ay kasalukuyan na naghahanda ang magkapatid upang magbukas ng tindahan nang bigla na lang dumating ang salarin at kaagad silang pinagbabaril saka mabilis na tumakas.

 Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit binawian din ng buhay si Jayson.

Show comments