Lalaki binistay ng bala

Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, may taas na 5’7” katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at puting sapatos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang pagbabarilin kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, may taas na 5’7” katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at puting sapatos.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District -Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Florentino at Cordillera Sts., Brgy. Lourdes, Quezon City.

Ayon sa guwardiya na si Aniceto Capangpangan, nakarinig siya ng isang putok ng baril sa kalapit na construction site.

Nang kaniyang usisain ay nakita niya na duguang nakahandusay ang biktima sa kalsada.Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Show comments