2 batang lalaki nalunod sa resort

MANILA, Philippines — Isang taong gulang na batang lalaki at 12-anyos na lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente nang pagkalunod sa lalawigan ng Rizal at Quezon, kamakalawa.

Sa Rodriguez, Rizal nasawi sa pagkalunod ang 1-taong gulang na batang lalaki na si alyas John, ng Quezon City matapos na sumingaw ang gamit na salbabida habang lumalangoy sa swimming pool sa isang resort sa lugar na ito.

Nadiskubre ang katawan ng biktima sa ilalim ng swimming pool na agad namang itinakbo sa pagamutan, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Samantala, sa Brgy. Pandan, Real, Quezon ay namatay din sa pagkalunod ang 12-anyos na batang lalaki na kasama sa team building outing, kamakalawa.

Sa malalim na bahagi ng tubig ng Beach nakuha ang wala nang buhay na katawan ng biktima na kinilala sa alyas na Jom, estudyante.

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga ay nagsasagawa ng team building sa Paninap 5 Beach Resort ang bayaw ng biktima kasama ang grupo nito.

Naglangoy ang biktima, subalit napapunta ito sa malalim na bahagi ng beach nang ito ay malunod.

Show comments