51 NPA members, nagbalik-loob sa pamahalaan – AFP

MANILA, Philippines — Nagbalik-loob sa pamahalaan ang may 51 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Caraga Region. Kasamang isinuko ng mga da­ting rebelde ang kanilang baril at iba pang war materials sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Tandag City, Surigao del Sur.

Bilang kapalit, pinagkalooban naman sila ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan.

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagsuko ng mga dating rebelde ay epekto ng pagsisikap ng militar at lokal na pamahalaan sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan.

Show comments