Pagpasok ng tag-ulan ngayong buwan, made-delay – PAGASA

MANILA, Philippines — Dahil sa epekto ng El Niño phenome­non o panahon ng tagtuyot ay made-delay ang pasok ng tag-ulan sa bansa. Ayon sa Pagasa, karaniwang pumapasok ang tag-ulan sa huling Linggo ng buwan ng Mayo o unang Linggo ng Hunyo pero dahil sa epekto ng El Niño, delayed ang pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

Tinaya rin ng Pagasa na oras na maglaho ang panahon ng El Niño ay siya namang inaasahang pagpasok ng La Niña phenomenon o maulan na panahon sa bansa.

Tinagubilinan ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climatology department ng Pagasa ang publiko na paghandaan ang anumang kondisyon ng panahon na mararanasan sa bansa upang makaiwas sa anumang pinsala na hatid nito sa mamamayan at kapaligiran.

Show comments