Katiting na bawas-presyo sa petrolyo, asahan sa Martes
MANILA, Philippines — Magpapatupad ang mga oil companies ng katiting na bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa mga oil players, sa May 7 ay aabutin ng bawas 20 sentimos hanggang 45 sentimos ang presyo ng gasolina kada litro.
Aabutin naman ng 50 sentimos hanggang 70 sentimos ang ibabawas sa presyo ng diesel kada litro at nasa 60 centavos hanggang 70 centavos kada litro ang ibababa sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang epekto ng nagdaang apat na araw na galaw sa bentahan ng petrolyo ang ugat ng oil price rollback.
Tuwing araw ng Martes naipatutupad ang oil price adjustment.
- Latest