^

Police Metro

Bell-Kenz pharma exec sa Senado: We are a law-abiding entity

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humarap kahapon sa pagdinig ng Senate Committee on Health ang mga executives ng Bell-Kenz pharmaceutical at nanindigan na isa silang “law-abiding pharmaceutical entity” na sumusunod sa regulasyong ng gobyerno. Ina­akusahan ang nasabing kompanya na gumagamit ng multi-level marketing scheme at nagbibigay ng mga regalo at malaking komisyon sa mga doktor na nagpi-prescribe ng kanilang gamot.

Sa pagdinig, sinabi ni Luis Go, kinatawan ng Bell Kenz na ang kanilang kompanya ay itinayo noong 2006 at misyon nila na magbigay ng “high quality” pero murang gamot sa mga mamamayan.

Sinabi ni Go na nauunawaan nila ang “impact” ng mga napakamahal na gamot sa mga mamamayan at sinusunod nila ang lahat ng regulasyon ng Food and Drug Administration, Philippime Medical Association at lahat ng government bodies.

Ibinigay na halimbawa ni Go ang murang maintenance medicine para sa diabetes at coronary disease na aabot lamang sa P128 kada araw at makakatipid ang pasyente ng nasa P2,305 hanggang P4,600 kada buwan.

Ayon naman kay Sen. Raffy Tulfo, wala siyang problema sa negosyo ng kompanya na kumpleto ang permit pero dapat masagot kung sangkot ito sa MLM (multi level marketing) at kung nagbibigay ng komisyon.

“Wala akong problema sa inyong negosyo per se. Legit po negosyo ninyo. Meron kayong SEC reg, BIR FDA, approved mga drugs nyo. Wala tayong problema dyan sir ang tanong ko: would you admit or deny na may mga doctor na pasok sa MLM ninyo? May nakakatanggap ng commission? Yes or no?,” tanong ni Tulfo.

Bagaman at noong una ay itinanggi ni Go na magbibigay sila ng komisyon, kalaunan ay inamin niya ito sa pagtatanong ni Senator Jinggoy Estrada.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with