^

Police Metro

Pagpasok ng dayuhan sa Pinas, pinahihigpitan sa BI

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Magpatupad ng mas mahigpit na hakbang upang salain ang lahat ng dayuhang kriminal na pumapasok sa bansa na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na kilala ngayon bilang Internet Gaming Licensees (IGL).

Ito ang naging hamon ni Senador Win Gatchalian sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa tuwing may nare-raid na POGO, pala­ging mayroong natatagpuang puganteng wanted sa kani-kanilang mga bansa.

Aniya, muling nakita ito ng bansa noong ni-raid ang Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac at dito ay agad na kinilala ang isang Taiwanese national bilang wanted na pugante sa kanyang sariling bansa.

Ang mas malala pa, natuklasan ng mga otoridad na siya ay galing na sa isang POGO hub sa Pasay at inilipat lamang sa Bamban.

Bukod dyan, anim pang wanted na dayuhang pugante na nagtrabaho sa Zun Yuan Tech ang kinilala ng mga otoridad, lahat sila ay mga Chinese.

Bukod sa mga Chinese at iba pang Asian nationals, marami na ring African nationals ang nagtatrabaho ngayon sa mga POGO, sabi ni Gatchalian.

“Palipat-lipat lang sila. Nakapuslit na nga sila sa immigration natin at ngayon ay malaya pang umiikot mula sa isang kumpanya ng POGO patungo sa isa pa.  Ang mga insidenteng ito sa mga POGO ay paulit-ulit na lang na nangyayari,” diin ng mambabatas.

Ayon sa kanya, ma­raming POGO, maging ang mga lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), ang ginagamit na front para sa iba’t ibang ilegal na aktibidad kabilang na ang scamming activities na bumibiktima sa mga dayuhan at Pilipino.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with