^

Police Metro

SUV swak sa bangin: 3 patay, 3 sugatan   

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pang-masa
SUV swak sa bangin: 3 patay, 3 sugatan           
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jonathan Marcuap, na nagtamo ng maraming sugat at pinsala sa mukha; Jaspher Marcuap, na siyang nagmamaneho ng SUV at Rodolfo Ma­rcuap, ama ng pamilya.
Illustrate by John Villamayor

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya na taga-Candelaria, Quezon lulan ng Baguio-bound Sports Utility Vehicle (SUV) ang patay habang tatlo pa ang sugatan matapos mahulog sa bangin na may 100 metro ang lalim ang kanilang sasakyan sa may Marcos Highway sa Sitio Begis, Taloy Sur, Tuba, Benguet kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jonathan Marcuap, na nagtamo ng maraming sugat at pinsala sa mukha; Jaspher Marcuap, na siyang nagmamaneho ng SUV at Rodolfo Ma­rcuap, ama ng pamilya.

Ang ina ng pamilya Marcuap na si Kristel, 38, nagtamo lang ng sugat sa kanang binti, at kanyang mga anak na lalaki na sina Ian, 10-anyos, at Kieffer, 5-anyos, na nagalusan sa kaliwa at kanang tuhod, at nasugatan sa likod, ay pawang nakaligtas sa insidente.

Sa ulat ng Tuba Police, ang road mishap ay naganap bandang alas-4:30 ng mdaling araw subalit naiulat sa kanilang himpilan makalipas ang isa’t kalahating oras.

Lumalabas sa imbestigasyon na natamaan ng Mitsubishi Montero SUV na sinasakyan ng pamilya Marcuap ang isang road signage sa isang curve at nagtuluy-tuloy ito sa kabilang lane ng highway hanggang sa mahulog sa may 100 metrong bangin.

Agad namang rumes­ponde ang awtoridad at mga residente sa lugar, at iniahon ang mga biktima subalit tatlo sa kanila ang patay habang nilalapatan na ng lunas ang mga sugatan. 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with