^

Police Metro

Transport strike nabigo, nagpa-trapik lang - DOTr

Mer Layson - Pang-masa
Transport strike nabigo, nagpa-trapik lang - DOTr
Hinarang ng mga driver at operator na miyembro ng Manibela at Piston transport group ang west bound lane ng Quezon Avenue at España Boulevard ng boundary ng Maynila at Quezon City kamakalawa ng gabi sa pagpapatuloy ng kanilang dalawang araw na transport strike dahil sa pagtutol nila sa jeepney modernization and consolidation deadline.
Miguel De Guzman

Sumali sa protesta, lumabag sa traffic violation…

MANILA, Philippines — Inihayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista na bigo ang dalawang araw na transport strike ng grupong Manibela at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) nitong Lunes at Martes.

Tanging nagtagumpay lamang na nagawa ng mga ito ay ang paglikha ng matinding traffic sa ilang lugar sa ginawa nilang pagpoprotesta laban sa April 30 consolidation deadline sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Dagdag pa ng transport chief na ang mga sumali sa tigil-pasada ay maaaring liable rin sa mga traffic violations gaya ng obstruction of traffic.

Kaya nakatakdang rerepasuhin ng LTO, Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) ang aksiyon ng mga protesters at aalamin ang mga kasalanang maaaring nagawa nila.

Binigyang-diin pa ni Bautista na ang mga protesters ay may karapatang ipahayag ang kanilang mga hinaing ngunit hindi naman aniya dapat itong nakakaabala at nakakaapekto sa riding public at sa mga motorista.

DOTR

TIGIL PASADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with