^

Police Metro

Rider tepok sa salpok ng kotse

Mer Layson - Pang-masa
Rider tepok sa salpok ng kotse
Kinilala ang nasawi na si Albert dela Cruz, nasa hustong gulang habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na si Jentonie Kuyan.
File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang motorcycle rider nang mabangga ng kotse habang tumatawid sa isang kalsada sa Cainta, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Albert dela Cruz, nasa hustong gulang habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na si Jentonie Kuyan.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Felix Ave­nue, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Nauna rito, sakay ang biktima ng isang Yamaha Mio Aerox na may plate number 228NJX at bumibiyahe mula sa direksiyon ng V.V. Soliven III.

Habang minamaneho naman ng suspek ang isang Honda CR-V wagon na may plakang TIE-390 at binabagtas ang Felix Avenue patungong direksiyon ng Marcos Highway mula sa Junction, Cainta.

Habang tumatawid sa Felix Avenue ang motorsiklo ng biktima ay nabangga ng kotse ng suspek, na noon ay sinasabing mabilis umano ang takbo.

Sa lakas nang salpok ay nahulog ang biktima mula sa kanyang motorsiklo at bumagsak sa sementadong kalsada na nagresulta sa matinding pagkasugat nito at malaunan ay kamatayan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kapwa walang driver’s license ang suspek at biktima habang expired na rin ang rehistro ng kotse.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with