^

Police Metro

Roadworks gawin sa gabi - Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Roadworks gawin sa gabi - Marcos
Sinagot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tanong mula sa mga kinatawan ng stakeholders mula sa transport groups, private at business sectors, at local government officials para sa solusyon ng problema ng trapiko sa Metro Manila.
Ryan Baldemor

Para iwas traffic

MANILA, Philippines — Para hindi makadag­dag sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan ay ipi­nag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawin na lamang sa gabi ang lahat ng road work projects.

Ito ang sinabi ng pa­ngulo sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns sa San Juan na dinaluhan ng mga alkalde ng Metro Manila, mga opisyal ng gobyerno, mga kawani ng lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders.

Sinabi ni Pangulong Marcos na hanggang maaari ang mga roadworks ay gawin sa gabi maliban sa mga tulay dahil magmamahal ito at dodoble ang oras na aantayin ito.

Paliwanag pa ng pa­ngulo, ito ang mga stratehiya na dapat na suriin para mapaganda ang daloy ng trapiko at hindi mahirapan ang mga commuters at stakeholders at hindi rin maubos ang oras kahihintay ng sasakyan para makauwi lamang.

Inihalimbawa pa ng punong ehekutibo na kapag umuuwi siya ng alas-12:00 ng gabi ay marami pa siyang nakikita sa kalsada na naghihintay ng bus at hindi pa makauwi.

Kaya dapat anya na ma-improve ang sitwasyon kaya ginagawa ng gobyerno ang lahat para maresolba ang problema sa daloy ng trapiko sa bansa.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with