^

Police Metro

Marcos sa transport groups: Wala nang extension sa franchise consolidation

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos sa transport groups: Wala nang extension sa franchise consolidation
Modernized jeepneys with traditional designs are parked at a terminal in Cubao, Quezon City on February 14, 2024.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinuldukan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hirit ng ilang transport group para mapalawig pa ang panahon sa consolidation ng prangkisa ng public transport operators kaugnay sa isinusulong na programa sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Sa kanyang pagdalo sa townhall meeting sa San Juan City, nanindigan ang Pangulo na wala ng extension dahil sapat na ang panahong ibinigay ng gobyerno sa mga transport group.

“Aayusin.. tinitiyak lang namin na hindi mapabigat pa ang babayaran at ang iuutang ng driver, operator kaya’t ginagawa nating maayos at ginagawa nating well-organized yung sistema na yan,” anang Pangulo.

Mayroon na lamang hanggang April 30 ang PUV operators para I-consolidate ang kanilang mga prangkisa.

Batay sa record ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, 190,000 units ng PUVs ang sumama sa consolidation kabilang na dito ang UV Express, PUJs, mini-buses at mga bus.

Layon ng consolidation para sa PUV Modernization Program ay mapalitan ang traditional jeepneys ng Euro 4-compliant engine para mabawasan ang polusyon at mapalitan na ang mga unit na hindi na roadworthy sa ilalim ng standards ng Land Transportation Office (LTO).

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with