Trader timbog sa P1.8 milyong shabu
MANILA, Philippines — Isang 51-anyos na negosyanteng lalaki ang inaresto sa anti-illegal drug operation sa Brgy. Pio Cruzcosa, Calumpit, Bulacan, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police Director ang suspek na isang high value individual (HVI) na si Wilson Clavito, alyas “Choco”, ng San Jose Del Monte City, na naaresto alas-5:55 ng hapon sa Barangay Pio Cruzcosa.
Nakuha sa suspek ang walong transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 270 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,836,000.00.
- Latest