^

Police Metro

Bangkay ng 2 dalagita natagpuan sa ilog

Omar Padilla - Pang-masa
Bangkay ng 2 dalagita natagpuan sa ilog
Sa inisyal na imbestigasyon, Abril 5, 2024, alas-6:30 ng gabi nang huling makitang magkasama ang dalawang biktima ng tiyuhin ni Jashane na si Bayani Ben Matias na naglalakad sa gilid ng kalsada ng Brgy. Palimbang, Calumpit, subalit hindi na sila nakarating sa kanilang bahay. Hanggang nitong Abril 6, 2024, isang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang nag-report sa Calumpit police na may dalawang bangkay ng dalagitang nakitang nakalutang sa nasabing ilog.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magkasunod na natagpuan na nakalutang sa Calumpit river ang bangkay ng dalawang dalagita na magkaibigan, kama­kalawa ng hapon. Unang natagpuan, alas-3:20 ng hapon na nakalutang sa ilog sa Brgy. Iba O Este, Calumpit, Bulacan si Jashane De Jesus, 13-anyos, estudyante ng NorthVille-9 Phase II, Brgy. Iba O Este.

Sumunod na natagpuan, alas-3:45 ng hapon ang bangkay ni Krisalyn Kasandra Alpes, 14, estudyante ng NorthVille-9 Phase II, Brgy. Iba O Este.

Sa inisyal na imbestigasyon, Abril 5, 2024, alas-6:30 ng gabi nang huling makitang magkasama ang dalawang biktima ng tiyuhin ni Jashane na si Bayani Ben Matias na naglalakad sa gilid ng kalsada ng Brgy. Palimbang, Calumpit, subalit hindi na sila nakarating sa kanilang bahay. Hanggang nitong Abril 6, 2024, isang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang nag-report sa Calumpit police na may dalawang bangkay ng dalagitang nakitang nakalutang sa nasabing ilog.

Wala naman umanong nakikitang foul play ang mga otoridad sa nangya­ring insidente. Sa paniwala ng mga otoridad na posibleng nagkayayaang maligo ang magkaibigan sa nasabing ilog bago umuwi sa kanilang bahay at posibleng nalunod.

vuukle comment

RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with