^

Police Metro

13-anyos dinukot ng sariling ina, P3 milyong ransom hingi

Joy Cantos, Omar Padilla - Pang-masa

3 suspek timbog sa rescue ops

MANILA, Philippines — Tatlong suspek kabilang ang ina ng isang 13-anyos na Grade 7 student na umano’y dinukot ang naaresto sa isinagawang rescue operations ng pulisya kamakalawa ng gabi sa bayan ng Plaridel, Bulacan.

Agad dinakma ang tatlong suspek matapos na maiabot sa kanila ang P550,000.00 na ransom money na sina Maryrose Medina, 42, alyas “Elmarie” ina ng biktima, ng Brgy. Sagada, Hagonoy, kasabwat na sina Eleonor Bolosco ng Brgy. Menzyland at Adrian Cortez, security guard ng Brgy. Mojon ng lungsod ng Malolos habang hindi na pinangalanan ang lalaking biktimang Grade 7 student.

Sa inisyal na imbestigasyon at sa salaysay ng amang negosyante na hindi rin pinangalanan, umalis ang kanyang anak at nagpunta sa kanyang kaklase bandang 3:00 ng hapon nitong Abril 4. Gayunman,  hindi na bumalik ang anak at isang hindi nagpakilalang indibiduwal ang tumawag sa kanyang telepono at nanghihingi ng P3 milyon bilang ransom para pakawalan ang kanyang anak.

Dahil agad na humi­ngi ng tulong ang ama sa Hagonoy Police Station. Naibaba naman ang ransom sa P550,000 matapos umanong magkatawaran.

Bandang alas-10:40 ng gabi nitong Abril 5 ay nagsagawa ng operasyon ang Provincial Intelligence Unit ng Bulacan sa pangu­nguna ni PLt. Col. Jesus Manalo, Anti-Kidnapping Group Luzon Field Unit at Hagonoy Police sa pamumuno ni PLt. Col. Aldrin Thompson para matugunan ang sitwasyon.

Nang maibigay ang nasa P550,000 ransom ay sinundo na ang biktima ng kanilang family driver sa isang fast food chain sa bayan ng Plaridel kasabay ang pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober ng mga awtoridad sa operasyon ang P550, 000.00 ransom money at isang black Chevrolet SLX na gamit ng mga suspek.

Sinasabing puwersahang ginamit ang biktima ng kanyang ina katuwang ang dalawang kasabwat at palabasing dinukot para ipatubos at makapaghigante ito sa kanyang negosyanteng mister.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with