^

Police Metro

2 killer ng binata, todas sa engkwentro

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga tauhan ng Lucena City Police Station ang dalawa sa tatlong  lalaki na pumatay sa isang binata sa loob ng bahay nito,  kamakalawa ng  gabi sa Barangay Antipolo, Sariaya Quezon.

Kinilala ang mga napatay na suspek na isang ­Alias “Bin Laden”, tinatayang nasa 38-anyos, residente ng Purok Tanglaw, Barera, Brgy. 8, Lucena City  at isang Alias “Palos” nasa hustong gulang, habang naaresto  ang kasama nila na si  Alias “Soya”, 33, ng Purok Talabis, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na bago naganap ang engkwentro ay  nakatanggap ng impormasyon si PCpl Michael Carurucan ng Cotta Sub-station tungkol sa pamamaril ng mga suspek sa biktimang si Michael Joshua Ranas Timajo, 20, binata sa loob ng kanilang bahay sa Purok Tanglaw, Barera, Brgy. 8 Lucena City.

Nasa loob ng bahay si Timajo at abala sa pag-aayos ng kanyang ear pods nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City at agad nagsagawa ng dragnet ope­ration ang mga LCPS na nagresulta sa pagkakaaresto ni Alyas Soya na nagturo na ang kanyang mga kasama ay tumakas patungong Sariaya.

Sa hot pursuit operation ay nakaengkwentro ng mga otoridad sina Alyas Bin Laden at Alyas Palos sa Brgy. Antipolo, Sariaya na sa halip sumuko ay nanlaban ang mga ito kaya’t napatay.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na si Alyas Bin Laden ay pangunahing suspek sa isang insidente ng pamamaril sa Lucena noong nakaraang buwan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with