^

Police Metro

Mag-ina sinaksak ng lasing na kapitbahay

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pang-masa
Mag-ina sinaksak ng lasing na kapitbahay
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Leonor Beñegas y Absalon, 56 habang patuloy na ino­obserbahan ang anak nitong si Rosalie Ortega y Absalon, 34.
File

MANILA, Philippines — Isang mag-ina ang nasa loob ng kanilang bahay nang pasukin at pagsasaksakin ng lasing nilang kapitbahay sa Barangay Tala, San Andres, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Leonor Beñegas y Absalon, 56 habang patuloy na ino­obserbahan ang anak nitong si Rosalie Ortega y Absalon, 34.

Ang suspek na tumakas na nahaharap sa reklamong murder at frustrated murder ay nakilala lamang sa alyas na Garry, 36.

Base sa imbestigas­yon, habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ina, alas-5:30 ng hapon ay pumasok ang lasing na suspek na armado ng gulok at walang sabi-sabing pinagsasaksak si Leonor.

Nang makita ni Rosalie ang ginagawa ng suspek sa kanyang ina ay sinubukan nitong tumulong, subalit maging siya ay inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Matapos isagawa ang krimen ay naglakad na tumakas ang suspek patungo sa bulubunduking bahagi ng barangay.

Inaalam ngayon ng pulisya ang motibo ng suspek sa ginawang krimen sa mag-ina.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with