^

Police Metro

Tatlong tauhan ng Navy, sugatan sa water cannon attack ng Chinese Coast Guard

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año na tatlong tauhan ng Philippine Navy ang sugatan sa pinakabagong water cannon attack ng China Coast Guard.

Ayon kay Año, nangyari ang insidente noong Sabado, Marso 23 nang patungong Ayungin Shoal ang tatlong tauhan ng Philippine Navy na sakay ng Unaizah May 4 na maghahatid ng supply sa sumadsad na BRB Sierra Madre.

Hindi naman inilabas ang detalye kung hanggang saan ang injury ng tatlong Navy pero nagdulot ang pag-atake ng malaking pagkasira sa sinakyang barkong Unaizah May 4.

Ani Año, ordinar­yong rotation and resupply at provision operation lang naman ang isinagawa ng Unaizah May 4 kaya nakakagalit ang ginawa ng China.

Matatandaan na patuloy ang pag-angkin ng China sa Ayungin Shoal bilang bahagi umano ng kanilang teritoryo sa South China Sea habang patuloy naman ang paninindigan ng Pilipinas sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with