^

Police Metro

Barko ng ‘Pinas kinanyon ng tubig, wasak!

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa
Barko ng �Pinas kinanyon ng tubig, wasak!
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), matinding pinsala ang inabot ng barkong Unaizah Mayo 4 (UM4) na magdadala lamang ng suplay sa mga sundalong Pilipino na nagbabantay sa nakahimpil at nabalahurang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shaol.
Armed Forces of the Philippines / Facebook page

Maghahatid suplay sa Ayungin Shoal

MANILA, Philippines — Binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Pilipinas habang papalapit ito sa Ayungin Shoal noong Sabado ng umaga. 

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), matinding pinsala ang inabot ng barkong Unaizah Mayo 4 (UM4) na magdadala lamang ng suplay sa mga sundalong Pilipino na nagbabantay sa nakahimpil at nabalahurang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shaol.

Kinumpirma rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pambobomba ng CTG sa UM4 habang nasa re-supply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon sa AFP na ipinoste sa official account nito sa Facebook, bunga ng insidente ay nasira ang Rotation and Resupply (RoRe) vessel na UM4 na kinomisyon ng Philippine Navy at ini-eskortan ng barko ng PCG.

Dagdag ng AFP, naganap ang pambobomba ng water cannon sa UM4 dakong alas-7:59 ng umaga na nasundan pa bandang alas-8:52 ng umaga.

Nabatid na alas-6:00 ng umaga nang magsagawa ng mapanganib na maniobra ang isang barko ng CCG at humigit-kumulang sa isang oras ay isang “reverse blocking maneuver” naman na halos makabanggaan na ng UM4.

Dagdag pa sa ulat, makaraan ang ilang minuto, ang napahiwalay na PCG escort vessel na MRRV 4409 sa UM4 ay hinarang at pinalibutan ng isang CCG vessel at dalawang Chinese militia ships.

Sa hiwalay na pahayag ng PCG at AFP, nabatid na una na ring nakaranas ang UM4 ng pambobomba ng tubig ng CCG nitong buwan kung saan apat na tripulanteng sakay nito ang nasaktan.

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with