Trabaho para sa senior citizens, aprub sa Kamara
MANILA, Philippines — Aprub sa Kamara de Representantes ang panukala na naglalayong tulungan ang mga senior citizen na nais at may kakayanang magtrabaho.
Ayon kay House Committee on Labor and Employment chairperson at Rizal Rep. Fidel Nograles, mayroong mga senior citizen na kaya pang magtrabaho subalit nahihirapan na maghanap ng mapapasukan.
Ang panukalang Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities Incentives Act ay inaprubahan ng House Committees on Ways and Means at on Senior Citizens kamakailan.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng tax incentives ang mga kumpanya na kukuha ng empleyadong senior citizen.
Isang sistema rin ang itatayo upang maging mabilis ang paghahanap ng trabaho ng mga senior citizen.
- Latest