^

Police Metro

Colonel sa ‘sextortion’ nasa ‘floating status’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa ‘floating status’ na ang police colonel na nagkalat ng maselang video ng dati niyang nakarelasyon na ginang simula pa noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, nakaraang taon pa sinibak sa kanyang puwesto ang hindi pinangalanang opisyal matapos ang pagsasampa  ng kaso ng biktima.

Tumanggi si Fajardo na magbigay ng detalye tungkol sa opisyal na nasasangkot sa kontrobersiya.

Sa kasalukuyan ay nakatalaga umano ang nasabing opisyal sa personal holding and admin unit.

Tiniyak pa ni Fajardo na hindi nila kukunsintihin ang gawain ng kanilang tauhan at magiging transparent ito.

Magugunitang kinasuhan ng patung-patong na kaso ng isang ginang ang nakarelasyong Colonel matapos umanong i-video ang kanilang pakikipagtalik at pagkatapos ay ipinadala  sa kaniyang pamilya matapos na hiwalayan niya ito.

vuukle comment

SEXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with