^

Police Metro

4 ‘holdaper’ ng convenience stores, naaresto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na hinihinalang responsable sa serye ng panghoholdap sa mga convenience store sa Metro Manila kabilang ang kanilang lider ang naaresto sa masigasig na intelligence at follow-up operations ng pulisya nitong Biyernes ng hapon sa Taguig City.

Sa ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ng Taguig City Police Station, Intelligence Section (IS) at District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD), unang naaresto ang lider ng grupo na si Anthony Mungas Gayas alyas “Salbahe”, 30-anyos, ng Brgy. Sta Ana, Taguig City sa Romantic Village, sa nasabing barangay, alas-4:30 ng hapon ng Marso 8, 2024, kasunod ng isang linggong intel operations.

Sa pamamagitan ng Rouge’s Gallery, positibong kinilala si Gayas ng mga biktima. Nakita rin sa CCTV footage na si Gayas ang umatake sa cashier ng isa sa mga convenience stores na kanilang nilooban.

Sa CCTV footage noong Pebrero 29, 2024, nakita ang riding-in-tandem na hinoldap ang convenience store sa Brgy. Manuyo, Las Piñas City at makalipas lamang ang apat na oras, hinoldap din ng tandem kasama ang isa pang kasabwat ang isang convenience store sa Brgy. Talon.

Sa beripikasyon, natuklasan na si Gayas ay may warrant of arrest sa kasong rape (Republic Act  9516) na walang inirekomendang piyansa sa sala ni Judge Leili Cruz Suarez ng Regional Trial Court Branch 163, Taguig City. Nasamsam sa kanya ang  isang hand grenade, isang cellphone, isang kalibre 45 na kargado ng tatlong bala at isang kalibre 38  na may 2-bala.

Sa operasyon, ang tatlo pang kasamahan ni Gayas ay inaresto dahil sa obstruction of justice o tangkang pagtatago sa kanilang nasabing lider. Silay ay kinilalang sina Aga Fuentes Mercado, 23, construction worker;  Alex Bangayan Pataksil, 40 ; at Mark Aguanza Madrona, 39, construction worker; pawang ng Brgy. Sta Ana, Taguig City.

Nang siyasatin, natukoy ang tatlong suspek na responsable sa insidente ng panghoholdap sa Southern Manila, Rizal, at iba pang kalapit na lugar.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with