^

Police Metro

Pagkamatay ng 90 katao na nasawi sa Maco landslide ‘di inimbestigahan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa tingin ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na pinagtatakpan ang nangyari sa Maco landslide noong nakaraang buwan na ikinasawi ng 90 katao dahil sa walang ahensiya na nagsagawa ng imbestigasyon.

“Okey lang na hindi na imbestigahan kung walang namatay, kaso 90 ang binawian ng buhay doon…ganun-ganun na lang ba”? wika ni Tulfo.

Inakala ni Tulfo na kikilos agad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) o ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) para mag-iimbestiga subalit walang nangyari.

Sinabi ng House Deputy Majority leader na dahil walang gustong kumilos, naghain sila ng panukala kasama si Davao De Oro 2nd District Rep. Ruwel Peter Gonzaga para mang­himasok na at imbestigahan ng kongreso ang malagim na insidente.

Hindi niya umano maintindihan pero mukhang may puwersa na gustong pagtakpan ang nasabing kaso.

Suportado naman ng house leadership at ilang mambabatas, tulad ACT Teachers at Gabriela Partylist ang pag-iimbestiga ng kongreso sa Maco lands­lide incident.

“Dapat may managot dito kasi idineklara na nga na no build zone bakit may mga bahay pa rin doon?” pahabol pa ni Tulfo.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with