^

Police Metro

Bago matapos ang 2024 bakuna kontra ASF, mabibili na – DA

Joy Cantos - Pang-masa
Bago matapos ang 2024 bakuna kontra ASF, mabibili na � DA
Ang ASF na nameste sa hog industry o mga babuyan ay naging problema sa bansa simula pa noong 2019.  
AFP

MANILA, Philippines — Bagong matapos ang taong 2024, inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na available o mabibili na sa bansa ang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) bago magtapos ang taong 2024.

Ang ASF na nameste sa hog industry o mga babuyan ay naging problema sa bansa simula pa noong 2019.  

Ayon kay Laurel, ang isang Vietnamese at American company ay humihingi o naga-apply na sa Food and Drug Administration (FDA) ng accreditation para sa ASF vaccines. Samantalang isa pang Vietnamese firm at Thai firm ay plano ring mag-apply para maaprubahan ang kanilang mga ASF vaccine ng FDA at maibenta ito sa Pilipinas.

“The good news is there are already vaccines that are on the way that may be accredited within the year by the FDA with assistance from DA,” ayon kay Laurel.

“Hopefully, we can eradicate ASF by next year,” dagdag ng opisyal.

Ang delubyong idinulot ng ASF sa bansa ay nakapagpababa sa produksiyon ng lokal na karne ng baboy kung saan sa inventory sa pagtatapos ng taon mula sa dating 12.8 milyong hogs noong 2020 ay bumaba ito sa 9.94 mil­yong baboy noong 2021.

 “Most of the reduction came from small holds whose inventory dropped to 7.18 million in 2022 from a high of 9.44 million in 2020,” ayon kay Tiu Laurel.  

Samantala, sa pagtatapos ng Setyembre 2023, ang kabuuang inventory ay bumaba sa 9.86 milyon kada ulo ng baboy mula sa dating 10.1 milyon sa kaparehong panahon noong 2022.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with