^

Police Metro

P3.72 bilyong halaga ng smuggled e-cigarettes, nasabat ng BOC

Mer Layson - Pang-masa
P3.72 bilyong halaga ng smuggled e-cigarettes, nasabat ng BOC
Sinusuri ng tauhan ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) ang mga kahon ng disposable e-cigarettes/vape products na umano ay ipinuslit sa bansa matapos na salakayin ang bodega sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P3.72 bilyong halaga ng mga smuggled e-cigarettes o vapes products mula sa China ang nasabat ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs (BOC) sa sabayang inspeksiyon na isinagawa sa mga bodegang matatagpuan sa Parañaque City at Malabon City, kamakalawa.

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bien Rubio, ang pag-iisyu ng Letters of Authority (LOAs) laban sa mga naturang bodega ay bahagi ng agenda ng bureau upang ispesipikong targetin ang mga smuggled e-cigarettes o vapes.

Idinetalye ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na sa mga warehouse na ma­tatagpuan sa Olivares Compound, San Dionisio, Parañaque City, nadiskubre ang tinatayang 1.5 milyong piraso ng Flava brand na e-cigarettes na may assorted flavors.

Ang market value ay P500 kada piraso at ang 15,000 kahon ng vape na may 100 piraso kada kahon ay umaabot sa P750 milyon at idaragdag ang excise tax na makokolekta ay aabot ng P1.53 bilyon.

Habang isa sa mga bodega na matatagpuan sa Superb Catch Inc., Compound 46, Hernandez St., Barangay Catmon, Malabon City ay natuklasang naglalaman ng humigit-kumulang sa 19,800 kahon, na may 100 piraso ng vapes kada box.

Sa halagang P550 bawat isa, ang 1.98 mil­yong piraso ng vape ay may total market value na P1.089 bil­yong karagdagan, P520 halaga ng excise tax kada item ang dapat na nakolekta­ para sa kabuuang P1,029,600,000.

Ang market value at excise tax ng smuggled vape products ay may kabuuang halaga ng P2,118,600,000.

Nakadiskubre rin ang grupo ng isang temporary unplug cold storage unit na ginagamit bilang storage facility at naglalaman ng di pa matukoy na dami ng vape products.

May nakita rin umano silang wing van truck na nagbababa ng stocks ng vape products sa isinagawang ins­peksiyon.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with