^

Police Metro

Robin nag-sorry sa mga opisyal ng Senado sa gluta session ni Mariel

Malou Escudero - Pang-masa
Robin nag-sorry sa mga opisyal ng Senado sa gluta session ni Mariel
Actress and television host Mariel Padilla receives a glutathione drip in the office of her husband Sen. Robinhood Padilla in a photo she posted on social media on Feb. 21. The photo has since been removed.
Mula sa Instagram account ni Mariel Rodriguez-Padilla

MANILA, Philippines — Humingi kahapon ng paumanhin si Senador Robin Padilla sa opisyal ng Senado kaugnay ng ginawang IV drip session ng kanyang asawang si Mariel noong nagdaang linggo.

Nagpadala ng liham si Padilla kay Dr. Renato DG Sison, direktor ng Medical and Dental Bureau; at kay (Ret) Lt. Gen. Roberto T. Ancan, sergeant-at-arms ng Senado.

“Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon,” sabi ni Padilla sa kanyang liham kay Ancan.

“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau,” ayon sa mambabatas, sa liham naman niya kay Sison.

“Makakaasa po kayo na hindi na mauulit ang ganitong uri ng pangyayari,” idiniin ni Padilla kina Ancan at Sison.

Nitong Linggo, humi­ngi rin ng paumanhin si Mariel sa publiko at sa Senado sa nangyaring pag-IV drip sa tanggapan ni Sen. Padilla. Nilinaw din niya na Vitamin C at hindi glutathione ang drip niya.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with