^

Police Metro

Legalisasyon ng motorcycle taxi prayoridad ng Kamara

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Legalisasyon ng motorcycle taxi prayoridad ng Kamara
Ang posisyon ng Pangulo ay kanyang inihayag matapos ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Grab Holdings Inc. sa Malacañang kung saan nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming paraan ng pagbiyahe at solusyon sa mga problema sa sektor ng transportasyon.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyang prayoridad ng Kamara de Representantes ang pagpasa ng panukala kaugnay ng legalisasyon ng motorcycle taxi at ireporma ang kasalukuyang regulasyon ng transportation network vehicle service (TNVS) sa bansa.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na  nagnanais na bigyan ng mas maraming opsyon ang mga komyuter na Pilipino.

Ang posisyon ng Pangulo ay kanyang inihayag matapos ang pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Grab Holdings Inc. sa Malacañang kung saan nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming paraan ng pagbiyahe at solusyon sa mga problema sa sektor ng transportasyon.

“The maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and the promotion of the general welfare are foundational to our democracy. It’s imperative to adapt our laws to the evolving transportation landscape to ensure the well-being and convenience of our citizens,” ani Speaker Romualdez.

Layunin ng panukala na tugunan ang mga legal na balakid sa legal na pagbiyahe ng mga motorsiklo na ipinagbabawal sa kasalukuyang batas.

Sa kasalukuyan ay nag-o-operate ang mga motorcycle taxi sa Metro Manila at Cebu sa ilalim ng pilot testing lamang na sinimulan noong 2019. Mayroong nakabinbin na motorcycle taxi bill sa Kamara kung saan nakapaloob rin ang pagkakaroon ng regulasyon para sa mga App-Driven Transport Network Companies.

Layunin ng regulas­yon na matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay at maging kabalikat ito sa pagpapaunlad ng bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang pagbibigay ng prayoridad sa House Bill 3412 na akda nina 1-Rider Partylist Reps. Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita ay tugon ng Kamara sa pagpapaganda ng transportation infrastructure at regulatory environment ng bansa alinsunod sa pagnanais ng Pangulo na maging inklusibo ang pag-unlad ng Pilipinas.

MOTORCYCLE TAXI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with