^

Police Metro

2 rider kapwa todas sa salpukan

Joy Cantos - Pang-masa
2 rider kapwa todas sa salpukan
Nagkaroon ng konting pagsisikip sa daloy ng trapiko ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City matapos humandusay sa kalsada ang dalawang rider nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo, kahapon.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang dalawang motorcycle rider nang aksidenteng magbanggaan ang minamaneho nilang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Santa Anastacia, Sto.Tomas, Batangas, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonel Gardoña, 33; at Esme­raldo Nadong, 58.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 4 A,bago naganap ang sakuna, alas-4:15 ng madaling araw sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Anastacia ay kasalukuyang minamaneho ni Gardoña ang isang Suzuki Raider na motorsiklo galing Calamba City, Laguna nang makabanggaan nito ang kasalubong na motorsiklong Kawasaki Rauser na minamaneho naman ni Nadong na patungo sa Poblacion ng Sto. Tomas.

Kapwa nakasuot ng helmet ang dalawang rider nang mangyari ang insidente kung saan kapwa sila nagtamo ng matitinding sugat sa katawan.

Agad namang sumaklolo ang rescue team ng lungsod ng Sto. Tomas at isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero kapwa hindi na ang mga ito umabot ng buhay.

MOTORSIKLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with