^

Police Metro

Smuggled Bugatti sports car, isinuko sa BOC

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinuko na ng may-ari ng isang pulang Bugatti Chiron sports car, sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng ahensiya, kahapon.

Ito’y halos isang linggo lamang matapos umapela ang bureau sa publiko ng impormasyon hinggil sa dalawang smuggled luxury cars na nakitang bumabaybay sa mga lansangan sa Pasay, Pasig, Muntinlupa, at Cavite.

Pinuri ni Customs Commissioner Bien Rubio ang agarang resulta sa hot pursuit, na nagresulta sa pag-surrender sa isa sa mga sasakyan, na walang import documents.

Ayon kay Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, ang pulang Bugatti ay isinuko sa joint BOC team sa isang bahay sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City, kung saan nakatago ang sports car.

Ang registered owners ng dalawang units ng 2023 model sports car— isang kulay asul na may plate number na NIM 5448, at isang pula na may plate number na NIM 5450—ay sina Menguin Zhu at Thu Thrang Nguyen.

Inaalam pa ng BOC ang country of origin ng mga sasakyan at kung brand new ba ang mga ito o secondhand lamang, nang ito ay angkatin.

Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, pinaimbestigahan na nila sa Land Transportation Office (LTO) kung paano nabigyan ng registration papers ang mga sasakyan nang wala itong kaukulang importation documents.

Ang mga sasakyan, na nagkakahalaga ng P165 mil­yon bawat isa nang walang customs duties at taxes, ay iniimbestigahan na ng BOC simula pa noong Nobyembre 2023 matapos na makatanggap ng “derogatory information” hinggil dito.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with