^

Police Metro

Mag-asawa itinumba sa niyugan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-asawa matapos na pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki habang nasa niyugan sa Barangay Dancalan Central, Guinyangan, Quezon, kamakalawa ng umaga.

Ang mag-asawa na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanilang mga ulo at ibat ibang parte ng katawan ay kinilalang sina Randy Pedregal, 46 at Analisa Pedregal, 50 .

Ang suspek na tumakas matapos isagawa ang krimen ay inilarawan ng mga saksi na nakasuot ng bonet, asul na t-shirt at grey na short.

Ayon sa pulisya, alas-9:00 ng umaga ay iniipon ng mag-asawa ang mga niyog nang dumating ang suspek at walang sabi-sabi silang pinaulanan ng bala saka mabilis na tumakas.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at salarin.

vuukle comment

BARIL

MAG ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with